Home HOME BANNER STORY COVID sa QC sumirit ng halos 265% sa 3 linggo

COVID sa QC sumirit ng halos 265% sa 3 linggo

3
0

MANILA, Philippines – Tumaas ng 265.22 percent ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City sa nakalipas na tatlong linggo, habang umabot na sa 146 ang kabuuang bilang ng infections na naitala ngayong taon as of July 1, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division.

Sa public advisory ng pamahalaang lungsod, sinabi nitong umakyat ang confirmed cases mula sa 23 kaso na naitala mula May 21 hanggang June 10, tungo sa 84 kaso mula June 11 hanggang July 1.

Batay sa health data, ang mga batang edad 14 pababa ang bumuo ng halos 30 percent ng lahat ng naiulat na kaso, kaya sila ang pinakanaapektuhang age group. Sumunod ang adults aged 25 to 29 at senior citizens aged 60 and above, na tig-16 percent ng kabuuang infections.

Tinukoy ang District 4 bilang pinakamalaking hotspot matapos makapagtala ng 32.71 percent ng lahat ng kaso, kasunod ang District 1 na may 22.43 percent.

Nakapagtala ang Barangay Doña Imelda ng pinakamataas na bilang ng infections na may 11 kaso, habang tig-apat na kaso naman ang naitala sa Culiat, Salvacion, Santa Teresita, Santo Cristo, Sauyo, Socorro, at Tandang Sora.

Ang mga pasyente ay may edad mula isang buwang gulang hanggang 92 taong gulang. Mas marami ang kaso sa mga babae, na may 66 cases o 62 percent, kumpara sa mga lalaki na may 41 cases o 38 percent. Apat na healthcare workers din ang nagpositibo.

Ayon sa Quezon City Health Department, patuloy nitong namamatyagan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng Covid-19 cases sa nakalipas na anim na linggo.

Pinaalalahanan din ang mga residente na sundin ang respiratory hygiene, regular na maghugas ng kamay, magsuot ng face mask kapag may respiratory symptoms, iwasang hawakan ang mukha gamit ang hindi nahugasang kamay, panatilihin ang physical distance kapag may sakit, at manatili sa bahay kung may karamdaman upang maiwasan ang pagkalat ng virus. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here