Home NATIONWIDE Call center agent utas sa pagsalpok sa Pandacan bridge

Call center agent utas sa pagsalpok sa Pandacan bridge

3
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang call center agent matapos mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at bumangga sa concrete barrier ng Zamora Link Bridge sa Pandacan, Maynila nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si James Fernandez, residente ng Quezon City, na idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa kahabaan ng Zamora Link Bridge.

Minamaneho ni Fernandez ang kaniyang Honda Click motorcycle nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa itaas na bahagi ng tulay, dahilan upang bumangga sa concrete barrier.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo at bumagsak sa semento, na nagdulot ng matinding pinsala sa kaniyang katawan.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at isinugod si Fernandez sa ospital, ngunit binawian din siya ng buhay habang nilalapatan ng lunas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here