Home NATIONWIDE Binata himas-rehas sa paulit-ulit na panggagahasa

Binata himas-rehas sa paulit-ulit na panggagahasa

2
0

CABATUAN, Isabela – Himas rehas ang isang binata na akusado sa apat na beses o bilang ng panggagahasa matapos maaresto ng puLisya sa Brgy. Tandul, Cabatuan, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hulihin ang mga nagkasala sa batas kung kayat naaresto si alyas “Mar”, 20-anyos, construction worker na residente ng Brgy. Sinalugan, San Guillermo, Isabela.

Bilang pagtalima ay pinangunahan ng Cabatuan Poluce Station sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest katuwang ang Regional Intelligence Division 2 (RID2), Regional Intelligence Unit 2 PIT-Isabela West at Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office na nagbunga ng pagkakahuli ng akusado.

Ang suspek ay tinaguriang No.6 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa apat (4) na bilang ng kasong rape na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here