MANILA, Philippines – Matinding pinalagan ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano sa pagkakahalal kay Senator-judge Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court sa pagbubukas ng unang araw ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa pahayag, iginiit ni Cayetano na labag sa Konstitusyon ang pagtatalaga ng ibang senador bukod kay Senate President Sherwin Gatchalian bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pagkatapos ng opening statement ni Gatchalian sa unang araw ng paglilitis nitong July 6, naghain si Cayetano ng point of order upang kuwestiyunin ang pagpapatibay ng Senado sa Senate Resolution No. 430 noong June 3 na nag-amyenda sa impeachment rules upang payagan ang pagpili ng ibang senador bilang presiding officer sa pamamagitan ng majority vote.
Ayon kay Cayetano, malinaw na itinatakda ng 1987 Constitution na ang Senate President ang dapat mamuno sa lahat ng impeachment trial, maliban kung ang Pangulo ng Pilipinas ang nililitis.








