Home NATIONWIDE Reporma sa pagpapanatili ng paglago ng bansa, isusulong ng pamahalaan – DepDev

Reporma sa pagpapanatili ng paglago ng bansa, isusulong ng pamahalaan – DepDev

2
0

MANILA, Philippines – IPAGPAPATULOY ng gobyerno ang pagpapatupad ng reporma upang mas lalong maging ‘inclusive’ ang paglago ng ekonomiya at upang matiyak na ang status o kalagayan ng upper-middle income (UMIC) ay mapananatili.

Sinabi ni Balisacan na malabong magbalik ang Pilipinas sa lower-middle-income status nito sa kabila ng ‘global at local headwinds’ sa paglago.

Nauna rito, kinumpirma ng World Bank (WB) ang katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income country (UMIC) matapos nitong malampasan ang gross national income (GNI) per capita sa itinakdang antas para sa mga bansang kabilang sa nasabing kategorya, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) nitong Miyerkules.

Sa pinakahuling pagsusuri ng World Bank sa antas ng kita ng mga bansa ngayong Hulyo, iniulat na umabot na sa $4,850 ang GNI per capita ng Pilipinas, na mas mataas kaysa sa $4,636 na itinakdang threshold para sa UMIC.

Winika ni Balisacan na habang ang ekonomiya ay nahaharap sa kombinasyon ng domestic at external shocks na nagpabagal sa paglago at itinulak ang inflation ng mas mataas ngayong taon, nananatili namang committed ang gobyerno na palakasin ang paglago ng bansa.

“This means accelerating the implementation of strategic infrastructure and other high-impact public investments, while encouraging greater private investment. Faster implementation will stimulate economic activity, improve connectivity, strangthen productivity, and create quality jobs,” ayon sa Chief Executive.

Tinuran ni Balisacan na palalakasin din ng gobyerno ang food at energy security at paghuhusayin ang climate resilience sa pamamagitan ng pamumuhunan sa water resources, irigasyon, flood control at disaster preparedness.

Nangako rin ang gobyerno na itataas ang productivity at competitiveness ng bansa sa pamamagitan ng pamumuhunan sa edukasyon, kalusugan digital transfromation , innovation at workforce development.

Sinabi ni Balisacan na kailangan din na ipagpatuloy ng gobyerno na palakasin ang institusyon.

“Transparent governance, sound public financial management, efficient regulation, and a predictable business environment are essential for sustaining investment, raising productivity, and ensuring that economic growth remains inclusive,” ayon kay Balisacan.

Para ngayong taon, layon ng gobyerno ang 3.5% economic growth. Sa taong 2027, inaasahan na ang paglago ay magiging mabilis sa 5 hanggang 6%.

“Out task now is to restore a higher and more sustainable growth path- one that is underpinned by rising productivity and innovation, resilient to shocks, and expands opportunities for every Filipino to participate in, contribute to, and benefit from economic progress. I remain optimistic,” ang sinabi ni Balisacan.

“But I think an optimism that has a good grounding. For example, we have done, I mentioned, several reforms that have been implemented in the past. Not only during this administration, but even earlier. That has made our economy now more responsive to opportunities. We are now moe open. We are more open economy that we used to be two or three decades ago,” aniya pa rin.

Aniya pa, dahil karamihan sa neighboring countries ay naglalayon din na makamit ang mas mataas na paglago, dapat na itinutulak ang Pilipinas na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng reporma para mapanatli ang paglago.

“So the possibility of us gping back to the lower-middle income class is, I think, quire remote. Unless, you know , you have certainly a very bad development in our political economy. But we don’t see that, and we hope that we continue to progress in our push for reforms,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here