Home METRO Maglive-in kalaboso sa pagtutulak ng shabu sa QC

Maglive-in kalaboso sa pagtutulak ng shabu sa QC

1
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang mag-live-in matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Baesa, Quezon City nitong nakalipas na linggo, Hulyo 3.

Kinilala ni PMajor Jacinto Pascual IV chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District ang nadakip na si alyas Joselito at ang live-in partner nito na si Catherine, 43-anyos.

Ayon kay Pat Christian Jerico Sidigo, imbestigador ng DDEU-QCPD, nadakip ang mga suspek dakong alas 9:22 ng gabi nitong Hulyo 3 sa loob ng bahay ng mga suspek sa 225 Sitio Mendez, Barangay Baesa, QC.

Sinabi ni Major Pascual, ang suspek at ang live-in partner nito ay nasa Street level Individual dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ipinagbabawal na droga.

“Nakatanggap kasi kami ng impormasyon na sangkot ang mag-live in sa pagtutulak ng iligal na droga kaya agad nagsagawa ng buy-bust ang mga tauhan natin laban sa dalawa,” ani Major Pascual.

Kaugnay nito, isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga pulis laban sa suspek at nagpanggap na bibili ng iligal na droga ang isang pulis ng halagang P500.

Matapos iabot ay agad dinakip ang mga suspek ng mga tauhan ng QCPD-DDEU na nabigla at hindi na nakapalag pa.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here