Home NATIONWIDE 14 Pinoy seafarers na inabandona sa Turkiye, nakauwi na sa PH

14 Pinoy seafarers na inabandona sa Turkiye, nakauwi na sa PH

3
0

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa Pilipinas ang lahat ng 14 Filipino seafarers na umano’y inabandona sa isang cargo vessel sa Turkiye, ayon sa Department of Migrant Workers nitong Lunes.

Inihayag ng DMW ang naturang development matapos dumating sa Maynila ang pinakahuling batch ng siyam na seafarers mula sa cargo ship MV Afadja sakay ng Turkish Airlines flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sinalubong sila ng mga kinatawan ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration pagdating sa bansa.

Nauna nang nakauwi sa Pilipinas ang unang batch ng limang seafarers noong Hunyo 22.

Ayon sa DMW, natagpuan ang mga seafarers na naninirahan sa barko na walang kuryente, potable water, o sapat na pagkain matapos ideklarang unfit to sail ang barko dahil sa engine failure at matapos ang shipowner ay “failed to fulfill its obligations.”

Tumanggap ang mga seafarers ng airport assistance, financial aid, temporary hotel accommodation, at transportation support pagdating nila sa bansa, ayon sa DMW.

Ire-refer din sila sa isang Department of Health-accredited hospital para sa psychosocial counseling at bibigyan pa ng karagdagang legal assistance sa paghahabol ng unpaid wages at iba pang benepisyo.

Sinabi ng DMW na ang repatriation ay isinagawa sa koordinasyon ng Philippine Embassy in Ankara at Migrant Workers Office in Lebanon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here