Home METRO Bigtime tulak timbog sa P14.11-M tobats sa Bacolod

Bigtime tulak timbog sa P14.11-M tobats sa Bacolod

6
0

BACOLOD CITY – Arestado ang isang 25-anyos na drug runner sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P14.11 milyong halaga ng shabu sa Purok Kamunsil, Barangay 3 nitong Linggo ng gabi, ayon sa Bacolod City Police Office nitong Lunes.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Renz,” residente ng Purok Bolinao, Barangay 1, na umano’y nagbenta ng PHP6,000 halaga ng shabu sa isang poseur-buyer mula sa City Drug Enforcement Unit sa isinagawang meet-up.

Matapos ang pag-aresto, nakuha ng mga operatiba mula sa suspek ang 21 knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 2,075 grams ng shabu na nagkakahalaga ng PHP6,800 kada gram.

“He has been actively engaged in illegal drug activities in Barangays 1, 4, 35 and other adjacent barangays in Bacolod City,” ayon sa police report.

Batay sa ulat ng pulisya, naging drug runner umano si alias “Renz” noong unang bahagi ng taon matapos manganak ang kaniyang asawa sa kanilang ikatlong anak.

Nakikipag-ugnayan umano sa kaniya ang kaniyang source sa pamamagitan ng mobile phone at inuutusan siyang maghatid ng illegal drug supply sa kaniyang “downline” sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Nasa kustodiya ngayon ng Police Station 2 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Article 2, Section 5, o sale of dangerous drugs, at Section 11, o possession of dangerous drugs, ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“The BCPO reaffirms its commitment to intensifying anti-illegal drug operations and urges the public to continue supporting law enforcement by reporting illegal drug activities in their communities,” pahayag ng pulisya.

Ang operasyon noong Linggo ng gabi ay kasunod ng dalawang buy-bust operation noong nakaraang linggo kung saan tatlong indibidwal ang naaresto at PHP11.9 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska.

Noong Hulyo 3, nakuha kay alias “Ernesto,” 44, ang anim na knot-tied plastic bags ng shabu na tumitimbang ng 1,200 grams at nagkakahalaga ng PHP8.16 milyon malapit sa Bredco Port sa Reclamation Area sa Barangay 12.

Noong Hulyo 2, nahulihan naman ang construction workers na sina alias “Joaquin” at “Mark” ng 550 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.74 milyon sa loob ng isang motel room sa Barangay Singcang-Airport. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here