MANILA, Philippines — Binisita ni Vice President Sara Duterte si Senator Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital sa Quezon City nitong Martes ng umaga.
Dumating si Duterte sa ospital dakong alas-7:43 ng umaga.
Nasa PNP General Hospital si Marcoleta upang sumailalim sa laboratory tests.
Wala pang ibinibigay na karagdagang detalye ang PNP kaugnay ng pagbisita ng Bise Presidente.
Ayon din sa ulat, nakita sa PNPGH si PNP public information chief Police Colonel Allan Rae Co.
Naaresto si Marcoleta noong Lunes ng umaga matapos maglabas ng warrant ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng P75-million plunder case na isinampa laban sa kaniya ng Office of the Ombudsman dahil sa undeclared campaign donation na natanggap umano ng mambabatas para sa kaniyang 2025 senatorial bid. RNT