Home METRO Puting unggoy sa Sultan Kudarat, namataan

Puting unggoy sa Sultan Kudarat, namataan

1
0

SULTAN KUDARAT — Pansamantalang isinara ng pamahalaang bayan ng Senator Ninoy Aquino ang lugar kung saan madalas makita ang isang rare white monkey upang maiwasan ang anumang disturbance at posibleng banta sa hayop.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources-SOCCSKSARGEN, ipinasara ang lugar sa utos ng alkalde, habang naghahanda naman ang mga opisyal ng barangay ng ordinansa upang gawing permanente ang protective measures para sa white monkey, sa tirahan nito, at sa nakapaligid na forest ecosystem.

Habang nakabinbin pa ang ordinansa, nananatiling restricted ang unauthorized access sa lugar kung saan nakita ang macaque.

Sinabi ng DENR-12 na ang white monkey, na pinaniniwalaang isang Philippine long-tailed macaque na may rare pigmentation anomaly, ay regular nang namamataan sa lugar mula pa noong 2016.

Una itong inakalang may albinism, ngunit batay sa assessment ng DENR XII Composite Monitoring Team, may brown hanggang dark brown eyes ang macaque, indikasyong maaaring leucism o ibang pigmentation condition ang taglay nito sa halip na albinism.

“The Department emphasized that scientific verification by wildlife experts is still necessary before a definitive conclusion can be made,” ayon sa DENR-12.

Nagbabala ang ahensya na maaaring malagay sa panganib ang unggoy dahil sa lumalaking atensyon ng publiko, kabilang ang disturbance, illegal hunting, poaching, collection, at wildlife trafficking.

Upang maprotektahan ang hayop at ang tirahan nito, sinabi ng DENR-12 na agad itong nakipag-ugnayan sa municipal government, concerned stakeholders, at content creators para ipatupad ang protective measures.

“During the validation, team confirmed that the macaque’s habitat remains suitable, with secondary forest vegetation and natural food sources supporting the resident population,” pahayag ng DENR-12.

Nakatakda ring magsagawa ang lokal na pamahalaan ng tree-planting at habitat restoration activities upang palakasin ang biodiversity conservation at isulong ang responsible ecotourism.

Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na protektado ang lahat ng wildlife sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act, o Republic Act 9147, na nagbabawal sa hunting, capturing, collecting, possessing, transporting, trading, o distributing ng wildlife nang walang kaukulang permit.

Hinimok din ng DENR-12 ang vloggers, photographers, media practitioners, social media users, at local communities na huwag isapubliko ang eksaktong lokasyon ng wildlife sightings o mag-post ng geotagged content na maaaring maglagay sa protected species sa panganib.

“The Department called on LGUs, Indigenous Peoples, local communities, environmental advocates, and the public to remain vigilant and support ongoing wildlife conservation efforts,” ayon sa DENR-12. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here