Home NATIONWIDE Pagsisimula ng impeachment trial maituturing matagumpay – House prosecutors

Pagsisimula ng impeachment trial maituturing matagumpay – House prosecutors

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng House prosecution panel nitong Martes na maituturing na nilang tagumpay ang pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House prosecution panel spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, malaking hakbang na ang pagsisimula ng paglilitis at ang pagharap ng kanilang mga testigo at ebidensya sa impeachment court.

“Once the trial begins, makikita natin yung katotohanan. Ito yung katotohanan eh, the evidence will speak. Nakita rin natin ang strategy ng defense, it is to actually mute the evidence or to do anything that they can, technically, not to allow the court to appreciate the evidence,” ani Adiong.

Idinagdag niya na karamihan sa mga mosyon ng kampo ng depensa ay hindi pinaboran ng impeachment court.

“Ngayon, hindi pa tapos itong araw na ito but we are claiming victory because all the motions that were raised by the defense, most of them, were overruled,” aniya.

Ayon naman kay House prosecutor Rep. Terry Ridon, mahalaga na naiharap na nila ang kanilang mga pangunahing testigo at dokumento nang walang hadlang.

“Most important metric in litigation ay ‘yung naipasok ang mga ebidensya… So malaking tagumpay po ‘yun ngayong araw,” sabi niya.

Nilinaw ni Adiong na ang tagumpay ay hindi lamang para sa Kamara kundi para sa mamamayan na nais malaman ang katotohanan.

Sa ikalawang araw ng paglilitis, tinalakay ng impeachment court ang ikaapat na artikulo ng impeachment na may kaugnayan sa umano’y assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Noong 2024, sinabi ni Duterte na kumuha siya ng assassin upang patayin ang tatlo sakaling siya ay mapatay, ngunit kalaunan ay iginiit niyang “maliciously taken out of logical context” ang kanyang pahayag.

Bago ang pagpapatuloy ng paglilitis noong Martes, nakipagpulong si Duterte sa kanyang mga abogado sa Senado at naglabas ng maikling pahayag:

“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here