Home NATIONWIDE House prosecutors iginiit na nais nilang ipatawag si VP Sara bilang hostile...

House prosecutors iginiit na nais nilang ipatawag si VP Sara bilang hostile witness sa impeachment trial

3
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng House prosecution panel na nais nilang ipatawag si Vice President Sara Duterte bilang hostile witness sa kanyang impeachment trial habang ipinapakita nila ang ebidensya kaugnay ng Article IV ng Articles of Impeachment.

Ang Article IV ay tumutukoy sa umano’y grave threats at inciting to sedition, kabilang ang mga umano’y pagbabanta ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ng House prosecutors, na mahalagang humarap si Duterte dahil isa siya sa mga pangunahing testigo sa kasong ito.

“One of the key witnesses, hostile, would be the Vice President.”

Ayon kay Kapunan, magsusumite sila ng pormal na kahilingan upang ipatawag si Duterte sa korte at maaari rin silang humiling ng subpoena testificandum at subpoena duces tecum.

Gayunman, sinabi ni Senate impeachment court presiding officer na si Francis “Chiz” Escudero na hindi obligado ang respondent na personal na dumalo sa mga pagdinig ayon sa impeachment rules.

Ipinaliwanag niya na kinakatawan na si Duterte ng kanyang mga abogado at anumang kahilingan para ipatawag siya ay didinggin lamang kapag may pormal nang mosyon.

Tinanggap ng prosekusyon ang pasya ngunit iginiit na hindi nila isinusuko ang karapatang ipatawag si Duterte sa tamang panahon.

Tulad noong unang araw ng paglilitis, hindi dumalo si Duterte sa mismong pagdinig. Dumaan lamang siya sa Senado upang makipagpulong sa kanyang mga abogado at nagbigay ng maikling pahayag sa media:

“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here