RIZAL, Philippines – Patay ang isang 42-anyos na tindero ng sampaguita matapos hampasin ng bote at paulit-ulit na saksakin ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Sitio Gumamela 2, Phase 5, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City noong gabi ng Hulyo 5.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang dalawang suspek. Isa sa mga suspek ang umano’y humampas ng bote sa ulo ng biktima dahilan upang matumba ito, habang ang isa naman ay paulit-ulit siyang sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tumakas ang mga suspek matapos ang insidente. Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Noong Hulyo 7, sinabi ng Rizal Police Provincial Office na naaresto na ang dalawang suspek at posibleng maharap sa kasong homicide. RNT/MDS