Home TOP STORIES U.S. nagsagawa ng airstrike vs Iran

U.S. nagsagawa ng airstrike vs Iran

3
0

WASHINTON, US – Nagsagawa ang militar ng Estados Unidos ng serye ng airstrike laban sa Iran, ayon sa U.S. Central Command.

Sinabi ng U.S. na isinagawa ang mga pag-atake bilang tugon sa umano’y pag-atake ng Iran sa tatlong commercial vessel na dumaraan sa Strait of Hormuz.

Ayon sa U.S., layunin ng operasyon na patawan ng mabigat na kapalit ang Iran dahil sa pag-target sa mga barkong pangkalakalan. Iginiit din nitong ang umano’y aksyon ng Iran ay paglabag sa umiiral na tigil-putukan.

Hindi pa tinukoy ng U.S. ang eksaktong mga target ng airstrike. Samantala, iniulat ng Iranian media na anim na projectile ang tumama sa lugar ng Taheroui Pier sa Sirik, southern Iran.

Ito ang unang kumpirmadong airstrike ng U.S. laban sa Iran mula nang magpalitan ng mga pag-atake ang dalawang bansa noong nakaraang buwan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here