Home METRO Burnham Lake posibleng magbukas muli sa Agosto

Burnham Lake posibleng magbukas muli sa Agosto

3
0

BAGUIO CITY, Philippines – Posibleng muling buksan ang Burnham Lake sa Agosto matapos umabot sa 90% ang rehabilitasyon nito, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kasabay ng pagbubukas ay ang paggamit ng mga bagong bangka na pasado sa mas mahigpit na safety standards. Ayon kay Magalong, hindi papayagan ang simpleng pininturahang lumang bangka. Kailangan ang mas ligtas, mas moderno, at bagong disenyo ng mga ito.

Binalaan din niya ang mga operator na maaaring mawala ang kanilang permit kung hindi sila susunod sa mga itinakdang pamantayan sa kaligtasan.

Sarado ang Burnham Lake mula pa noong Oktubre 2025 para sa pagkukumpuni. Naantala ang proyekto dahil sa fuel crisis na nagpataas ng presyo ng construction materials at sa matagal na pag-ulan.

Naglaan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng ₱500 milyon para sa rehabilitasyon ng Burnham Park, kabilang ang Burnham Lake at athletic bowl. Kasunod na aayusin ang Children’s Park, Rose Garden, skating rink, at iba pang bahagi ng parke. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here