Home METRO Bangkay ng 7-anyos batang nalunod sa ilog sa Kyusi, natagpuan

Bangkay ng 7-anyos batang nalunod sa ilog sa Kyusi, natagpuan

3
0

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos mahulog sa Dario River sa Barangay Bahay Toro, Quezon City habang nagpapalipad ng saranggola noong Hulyo 6.

Ayon sa ina ng bata, kakauwi lamang nito mula sa paaralan at naligo matapos mabasa ng ulan. Nakita pa niya ang anak at sinabihang umuwi dahil umuulan, ngunit hindi ito sumunod.

Kwento ng mga batang kasama niya, nadulas ang biktima habang inaabot ang sinulid ng saranggola at nahulog sa ilog sa bahagi ng sirang riprap. Nakahawak pa umano siya sa maliit na puno at humihingi ng saklolo bago tuluyang matangay ng malakas na agos.

Agad nagsagawa ng search operation ang QCDRRMO, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard. Matapos ang halos 12 oras na paghahanap, natagpuan ang bangkay ng bata sa San Juan River sa Barangay Apolonio Samson noong Martes ng umaga.

Ayon sa barangay, nasira ang riprap dahil sa bagyo noong nakaraang taon at matagal na nilang hiniling sa lokal na pamahalaan at MMDA na ito ay maayos.

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here