Home HOME BANNER STORY Bilang ng mga walang trabaho, tumaas noong Mayo

Bilang ng mga walang trabaho, tumaas noong Mayo

3
0

MANILA, Philippnes – Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Mayo 2026, ayon sa pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na umabot sa 2.50 milyon ang mga Pilipinong edad 15 pataas na walang trabaho noong Mayo, mas mataas kaysa sa 2.41 milyon noong Abril.

Katumbas ito ng 4.8 porsiyentong unemployment rate mula sa kabuuang 52.13 milyong kabilang sa labor force.

Ayon sa PSA, nadagdagan ang bilang ng mga naghahanap ng trabaho noong Mayo, kaya tumaas din ang bilang ng mga walang hanapbuhay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here