Home NATIONWIDE Alex Eala, pinuri sa Senado sa pagbibigay inspirasyon sa kabataan: ‘Detoxifier ng...

Alex Eala, pinuri sa Senado sa pagbibigay inspirasyon sa kabataan: ‘Detoxifier ng PH’

3
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kanyang pagkatalo sa ikaapat na round ng Wimbledon Championships, nananatiling tunay na kampeon si Alex Eala dahil sa patuloy nitong pagbibigay-inspirasyon sa kabataang Pilipino na mangarap sa kabila ng kanilang limitasyon, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules.

Diin ni Lacson, hindi dapat sukatin ang pagkatao ni Eala batay sa iisang pagkatalo, lalo na’t dahil ang kahanga-hanga nitong kampanya sa Wimbledon, kung saan pinabagsak niya si Iga Swiatek, ay nagsilbing “detoxifier” para sa bansa at isang puwersang nagbuklod sa mga Pilipino.

“Alex Eala didn’t disappoint us with her loss in the fourth round of the Wimbledon Championships. Failure is not measured by one defeat. She continues to inspire and motivate our youth who dare to dream big beyond their means. That makes her a true champion,” ani Lacson sa X.

Nabigo si Eala na makapasok sa quarterfinals matapos ang isang mahigpit na laban kontra kay Jasmine Paolini, ngunit ang kanyang makasaysayang kampanya ay nagkamit ng paghanga at pagpupugay mula sa mga Pilipino.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipinong manlalaro na umabot sa fourth round ng prestihiyosong Grand Slam singles tournament.

Noong nakaraang weekend, sinabi ni Lacson na si Eala ang kailangang-kailangang “detoxifier” sa gitna ng lubhang nakalalasong kalagayan ng bansa, at isang puwersang nagbubuklod sa isang bansang malalim ang pagkakahati.

“She is the detoxifier that our country’s highly toxic atmosphere

Kasabay nito, pinapurihan din ni Senador Joel Villanueva si Eala na itinuturong na makasaysayang sa Pilipinas na kauna-unahang Filipina na nakaabot sa ikaapat na round ng 2026 Wimbledon Championships na nagbigay karangalan sa Pilipinas.

“Alex Eala has distinguished herself as one of the finest athletes ever produced by the Philippines, rising through the ranks of professional tennis through years of exceptional skill, discipline, perseverance, and sportsmanship,” ayon kay Villanueva sa kanyang Proposed Senate Resolution No. 492.

Sinabi ni Villanueva na binasag ni Eala ang matagal nang hadlang para sa atletang Filipino sa pandaigdigang tennis at nilikha ang sarili sa pinaka-elitista sa pamamagitan ng napakahusay na  competitive achievement.

Sa kanyang resolusyon, binanggit ni Villanueva na nakamit ni Eala ang paghanga ng   international sporting community ng kanyang “fearless style of play, professionalism, and unwavering competitive spirit.”

Pinalakas din ng performance ni Eala ang pagkilala sa Pilipinas sa   international tennis, isang sports na matagal nang dominado ang manlalaro mula sa traditional tennis nations.

“Before reaching the Fourth Round of Wimbledon, the tennis sensation has achieved several milestones for Philippine tennis, including two WTA 125 singles titles. She also entered the tournament as the No. 29 seed, becoming the first Filipino tennis player in history to be seeded in the singles main draw of a Grand Slam tournament,” paliwanag ng resolusyon.

Giit pa ng dokumento na “Eala’s accomplishments have inspired countless young Filipinos to pursue excellence in sports and showed that Filipinos can compete successfully at the highest levels of international competitions.”

“Eala’s achievements exemplify the Filipino values of perseverance, discipline, humility, excellence, courage, and dedication, making her a source of inspiration for present and future generations of Filipinos,” ayon kay Villanueva. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here