TAIPEI, Taiwan – Iginiit ng isang mataas na opisyal ng seguridad ng Taiwan na ang paghahanda ng bansa laban sa posibleng pag-atake ng China ay hindi isang provokasyon kundi isang kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mamamayan.
Ayon kay Lin Fei-fan, deputy secretary-general ng Taiwan’s National Security Council, seryoso ang banta mula sa China dahil sa patuloy nitong pagpapalakas ng militar at araw-araw na pagpapadala ng mga barko at eroplano malapit sa Taiwan.
Sinabi ni Lin na mali ang paniniwalang ang paghahanda ng Taiwan ang nagdudulot ng tensyon. Aniya, “Lahat ng paghahanda ng China ay may iisang layunin—military aggression at external expansion.”
Idinagdag niya na hindi nagpapadala ang Taiwan ng mga barko o eroplano sa teritoryo ng China, at ang China ang nagpapalala ng sitwasyon sa rehiyon.
Hinikayat din ni Lin ang publiko na seryosohin ang banta at makiisa sa mga pagsasanay sa civil defense. Aniya, “If we do not act today, strength will not suddenly appear tomorrow. If we do not conduct drills today, when a crisis arrives, we may not even know the most basic standard operating procedure.”
Sinabi rin niya na magkakaroon ng agarang kapayapaan kung titigil ang China sa mga banta nito sa Taiwan. “But if Taiwan now gives up its ability to defend itself, there will no longer be a Taiwan in the world.” RNT/MDS