MARINDUQUE, Philippines – Naaresto ng pulisya ang most wanted na pugante sa Marinduque sa isang joint manhunt operation sa Barangay Marketsite, Mogpog noong Hulyo 7.
Ang 24-anyos na suspek, na hindi pinangalanan upang maprotektahan ang biktima ng sexual offense, ay inaresto batay sa warrant of arrest na inilabas noong Hunyo 29 ng Family Court Branch 9 sa Boac, Marinduque.
Nahaharap siya sa kasong rape by sexual assault sa ilalim ng ikalawang talata ng Article 266-A ng Revised Penal Code (Criminal Case No. 183-26). Inirekomenda ng korte ang P200,000 na piyansa.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at ihaharap sa korte.
Ayon kay Mimaropa Police Regional Director Brig. Gen. Christopher Dela Cruz, ipinapakita ng bawat matagumpay na manhunt operation ang kanilang pagtupad sa batas at pagtitiyak na ang mga akusado ay mahaharap sa hukuman.
Isinagawa ang operasyon ng Mogpog Municipal Police Station, kasama ang Marinduque Provincial Intelligence Unit, Marinduque Provincial Highway Patrol Group, at Provincial Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit 4B. RNT/MDS