Home METRO Sekyu ng South Cotabato Capitol, utas sa pananambang

Sekyu ng South Cotabato Capitol, utas sa pananambang

3
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Patay ang isang security personnel ng South Cotabato Provincial Capitol matapos tambangan habang papasok sa trabaho sa Tupi nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Thoks Andalinog, miyembro ng Provincial Security Unit na nakatalaga sa exit gate ng Kapitolyo.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 5:45 a.m., sakay si Andalinog ng kanyang motorsiklo sa Sitio Atbangan, Barangay Tubeng nang bigla siyang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek na pinaniniwalaang nag-abang sa kanya.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima at namatay agad sa lugar, habang nakatakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at ang motibo sa krimen. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here