Home METRO Botika ng Bayan, SWD Office, Bayanihub atbp. binuksan sa Jaen

Botika ng Bayan, SWD Office, Bayanihub atbp. binuksan sa Jaen

1
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Sabay-sabay binuksan ang bagong botika ng bayan, social services building ng Municipal department of social welfare ang development office, Batch Request Entry Query System (PSA-BREQS) at Bayanihub sa Jaen, Nueva Ecija.

Ang mga bagong pasilidad ay itinayo para lalo pang makapagbigay ng serbisyo sa mamamayan ng Jaen, partikular sa senior citizens.

Nabatid na ang botika ng bayan na accredited ng PhilHealth ay magkakaloob ng libreng maintenance medicine at iba pang gamot sa seniors, gayundin ang social services building ng Social Welfare and Development Office para sa social pension at iba pang social services.

Sinabi ni Mayor Sylvester Austria ng Jaen na ang pagpapasinaya sa mga bagong opisina at gusali ay tiyak na magbibigay ng mahahalagang  serbiso sa kanyang mga kababayan, partikular na ang Botika ng Bayan  para sa mga may sakit o pasyente.

Ayon naman kay Angelo N. Crecencia, ng local health insurance office, ang mga benepisyong gamot para sa mamamayan ay malaking tulong upang ang pensyon ng seniors ay hindi na kailangang galawin at mailalaan sa iba pang gastusin.

Malaking tulong din ang bagong tanggapan ng Batch Request Entry Query System (PSA-BREQS) para sa pagkuha ng mga documento sa PSA.  Hindi na kailangan pang dumayo at pumila sa main office ng PSA sa Cabanatuan City ng mamamayan.

Bukod sa kumbinyente at komportable, makakatipid ang mga residente sa gastos sa pamasahe at wala na ring additional charges sa mga kukuhaning dokumento.

At para lalo pang mapagserbisyuhan ang mga taga-Jaen, binuksan din ang Bayani hub sa isang mall para sa mga transaksyon sa LGU na kapos sa oras.

Ang Bayanihub ay bukas mula 10:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi kung saan hindi na kailangang mag-leave o um-absent ng mga empleyado sa kani kanilang trabaho para mag-asikaso ng kanilang mga  transaksiyon sa LGU.

Ang mga ipinatayong bagong tanggapan at gusali ay mula mismo sa sariling pondo ng munisipyo. MARINA BERNARDINO-SY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here