CAVITE, Philippines – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na biktima hinihinalang ng salvage o summary execution ang natagpuan sa matarik na bahagi ng gilid ng Calax eastbound lane ng expressway sa Silang, Cavite.
Ayon sa nakalap na impormasyon nagsasagawa ng grass-cutting operation ang mga manggagawa ng A.P. Viernes Construction sa paligid ng mga halamang bougainvillea nang mapansin nila ang masangsang n mabahong amoy na nagmumula sa madamon at ibabang bahagi ng expressway.
Dito inalam nila pinagmumulan ng amoy, at laking gulat ng tumambad sa kanila ang bangkay ng isang lalaki.
Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, tinatayang nasa edad na 25 hanggang 40 taong gulang, katamtamang pangangatawan.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Silang Municipal Police Station, para sa isasagawang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng biktima at upang malaman kung biktima ito ng salvage at kung sino ang responsable sa nasabing krimen.
Matatandaan na maraming beses na may insidente na natatagpouang patay sa lugar, panawagan sa pamunuan ng CALAX expressway na sana malagyan ng CCTV sa lugar upang maiwasan na ganitong krimen. MARGIE BAUTISTA