Home NATIONWIDE Dating mahistrado, hinikayat gobyerno na magsampa ng panibagong kaso laban sa China

Dating mahistrado, hinikayat gobyerno na magsampa ng panibagong kaso laban sa China

3
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na magsampa ang Pilipinas ng panibagong kaso laban sa China upang humingi ng danyos dahil sa umano’y panghihimasok nito sa West Philippine Sea.

Sa isang forum sa Manila Prince Hotel, nanawagan si Jardeleza kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy ang hakbang habang may natitira pang dalawang taon sa kanyang termino. Aniya, ito na ang pagkakataon upang makumpleto ang legasiya ng Pangulo sa usaping panlabas.

Sinabi rin niya na dapat isumite ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na dating Kalihim ng Department of Justice, ang naging resulta ng pag-aaral ng DOJ upang makatulong sa pagbuo ng kaso.

Ayon kay Jardeleza, maayos na naidodokumento ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga insidente sa West Philippine Sea at maaari itong gamitin bilang ebidensya.

Ipinaalala rin niya na sampung taon na ang nakalipas mula nang paboran ng UNCLOS Arbitral Tribunal ang Pilipinas laban sa China. Kabilang sa kinilalang paglabag ng China ang paglabag sa sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ), karapatan ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), ilegal na reclamation at pagtatayo ng artificial islands, at mga paglabag sa maritime safety.

Samantala, sinabi rin ng PCG na may namataang floating structure sa Bajo de Masinloc, na bahagi ng West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here