MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na inaasahang mararanasan ng Metro Manila ang pinakamalakas na epekto ng Super Typhoon Inday sa Biyernes at Sabado.
Ayon naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH), may 123 lugar na madaling bahain sa Metro Manila.
Pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Inday nitong Miyerkules ng umaga. Bandang 4:00 a.m., namataan ito 1,405 kilometro silangan ng Hilagang Luzon na may lakas ng hanging 185 kph at pagbugsong hanggang 230 kph.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa pitong lalawigan. RNT/MDS