MANILA, Philippines – Apektado ng northeasterly windflow ang Extreme Northern Luzon habang easterlies naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, ngayon Martes, Oktubre 13 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon dahil sa easterlies.
Ang Batanes at Babuyan Islands naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Northeasterly Windflow.
Samantala, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at nalalabing bahagi ng CALABARZON ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Habang kaparehong panahon din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC