Home NATIONWIDE Nagbabalik sa gabinete ni PBBM: Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec

Nagbabalik sa gabinete ni PBBM: Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec

1
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,, araw ng Miyerkules, Hulyo 8 si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secrertary Benjamin “Benhur” de Castro Abalos Jr. bilang Cabinet Secretary (CabSec) ayon sa anunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nagsilbi bilang Kalihim ng DILG si Abalos simula 2022 hanggang 2024.

Matatandaang, taong 2022 nang buwagin ni Pangulong Marcos sa bisa ng Executive Order No. 1 ng Pangulo ang Office of the Cabinet Secretary na hinawakan nina Karlo Nograles at Atty. Melvin Matibag.

Ang katuwiran ng Pangulo ay para makatipid at maiwasan ang pagdoble ng mga trabaho sa gobyerno.

Sa kabilang dako, inilatag naman ni Castro ang ilan sa magiging mandato ni abalos bilang CabSec.

Una na aniya rito ay ang tulungan ang Pangulo sa pagbibigay ng napapanahon, makabuluhan at strategic advice sa umuusbong na national, local, at international issues na nakaaapekto sa political landscape.

Bukod dito, gaya ng maaaring idirekta ng Pangulo, magsisilbi si Abalos bilang conduit ng Pangulo sa ‘national government agencies, local government units, political organizations, groups o parties, civil society organizations, at sectoral groups’ sa mga usapin na may kinalaman sa political concern.

Magsisilbi rin siya bilang pinuno ng ‘strategic action at response office’

“And for this purpose exercise supervision and control over its constituent offices,” ayon kay Castro.

Samantala, inaasahan naman na manunumpa sa kanyang bagong tungkulin si Abalos sa harap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here