Home HOME BANNER STORY DepEd maglulunsad ng active shooting drills sa mga paaralan

DepEd maglulunsad ng active shooting drills sa mga paaralan

1
0

MANILA, Philippines – Maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng active shooting drills sa mga paaralan simula Hulyo 10 bilang paghahanda sa posibleng gun attacks at iba pang mararahas na insidente.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ginawa ang bagong safety protocol matapos ang insidente sa Tacloban City, kung saan dalawang Grade 9 na estudyante ang bumaril sa loob ng paaralan.

“We are adjusting because we have the first ever school shooting, which means students were the shooters. So we are now doing the active shooter drill.”

“The drill will focus on the things that should be done when there is a school shooting. We will be launching that on Friday.”

Layunin ng drill na magsilbing awtomatikong gabay para sa mga paaralan upang maprotektahan ang mga estudyante, guro, at iba pang kawani kapag may insidente ng pamamaril.

Sa insidente sa Tacloban, dalawang Grade 9 students ang umano’y nagnakaw ng baril mula sa kanilang mga kamag-anak. Ayon sa pulisya, ang 14-anyos na suspek ay gumamit ng baril ng kanyang tiyahing pulis at nagpaputok ng humigit-kumulang 40 bala. Tatlong estudyante ang nasawi at 20 ang nasugatan, kabilang ang 15 na tinamaan ng bala.

Nakipagpulong na ang DepEd sa Philippine National Police (PNP), na nangakong tutulong sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan. Kabilang sa mga hakbang ang dagdag na police visibility sa labas ng mga paaralan, suporta sa guidance counselors para sa mga na-trauma, at panukalang maglagay ng anti-bullying desks sa bawat himpilan ng pulisya.

Sinabi rin ni Angara na hihingi ang DepEd ng tulong sa PNP sa pagbuo ng protocol para sa mga bomb threats sa mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at iba pang school personnel. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here