Home NATIONWIDE DPWH naka-alerto ngayong tag-ulan

DPWH naka-alerto ngayong tag-ulan

1
0

MANILA, Philippines – Nakaalerto 24/7 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila para tiyakin ang kaligtasan ng mga motorists at pasahero ngayong tag-ulan.

Nakaantabay ang DPWH Quick Response Team para agad rumisponde kung may mga lugar na binabaha o kung may mga nangangailangan ng tulong.

Sa pagbuhos ng malakas na ulan kagabi, may ilang lugar ang binakante sa Metro Manila bunsod ng localized thunderstorm.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga bahagi ng V.Luna Road at EDSA North Avenue sa Quezon City; EDSA Ortega service road sa Mandaluyong Gov.W.Pascual Ave., Barangay Catmon, Malabo City; Blumentritt sa Maynila at R.Magsaysay at V. Mapa naman sa Sta.Mesa, Maynila.

Sa kabila nito, humupa rin agad ang bahagi matapos kumilos ang DPWH Quick Response Team.

Agad nilang tinanggal ang mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig at nagsagawa ng manual na paglilinis at pag-alis ng bara sa mga drainage. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here