Home HOME BANNER STORY Byahe ng mga barko kanselado dahil sa bagyong Inday

Byahe ng mga barko kanselado dahil sa bagyong Inday

1
0

MANILA, Philippines – Kinansela na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga rehiyon na Inaasahang maapektuhan ng super typhoon Inday.

Partikular sa mga barko ng 2Go na byahe ng Batangas; Super shuttle ferry na may byahe ng Bohol -Camiguin vice versa.

Sa Eastern Visayas, pinagbawalan muna ng maglayag ang mga barko ng San isidro Shipping Lines, Montenegro Shipping Lines at VS Grand ferries.

Kabilang din ang sa mga barko na kinansela ang byahe dahil sa bagyong Inday sa PMO Masbate, Mindoro, Palawan, Panay/Guimaras, Surigao Zamboanga at Zamboanga Del Norte.

Samantala, sinimulan na ng PCG ang pagpapalawak sa kaalaman ng mga residente sa mga dapat gawin upang maging ligtas sa pananalasa ng bagyo.

Pinaalalahanan din ang mga mangingisda at tripulante sa pagkansela ng biyahe sa karagatan upang maitaguyod ang kanilang kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here