Home METRO Antas ng tubig sa Angat Dam, bumagsak sa bagong record low

Antas ng tubig sa Angat Dam, bumagsak sa bagong record low

1
0

BULACAN, Philippines -Bumaba sa 157.07 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam nitong 8 a.m. ng Miyerkules, Hulyo 8, ayon sa PAGASA.

Mas mababa ito sa dating pinakamababang naitala na 157.57 metro noong Hulyo 14, 2010. Ang normal na mataas na antas ng tubig sa dam ay 210 metro.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magsisimulang tumaas ang lebel ng tubig sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo dahil sa mas madalas na pag-ulan dulot ng Habagat sa watershed ng Angat.

Nauna nang sinabi ng ahensya na mahigit 60 porsiyentong kakulangan sa ulan sa Luzon ang naranasan mula Nobyembre dahil sa El Niño.

Noong nakaraang linggo, bumaba na ang Angat Dam sa critical low level na 160 metro, kung saan inuuna ang suplay ng tubig para sa mga kabahayan kaysa sa irigasyon.

Humigit-kumulang 90 porsiyento ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam.

Sa ngayon, wala pang water service interruption dahil gumagamit na rin ang mga water concessionaire ng ibang pinagkukunan ng tubig tulad ng Wawa Dam at Laguna Lake. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here