Home NATIONWIDE Kahinahunan ng senator-judges, pinuri ni Lacson sa kabila ng mahabang lecture: ’Cool...

Kahinahunan ng senator-judges, pinuri ni Lacson sa kabila ng mahabang lecture: ’Cool ‘to’

3
0

MANILA, Philippines – Sa ikatlong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, pinuri ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson ang kapwa senator-judges sa pagpapanatili ng kanilang kahinahunan sa kabila ng mahahabang “lecture” mula sa isa nilang kasamahan.

Binigyang-diin ni Lacson ang kahalagahan ng self-restraint pagpapanatili ng kahinahunan o pagiging “cool” sa gitna ng paulit-ulit na pagbibigay ng mahahabang “paliwanag” ng naturang senator-judge mula pa nang magsimula ang impeachment trial nitong Lunes.

“Day 3: I commend my fellow senator-judges for keeping our cool and not engage a colleague who has been lecturing us since Day 1 of the impeachment trial, as if being not members of the bar, we will be less judicious in rendering fair judgment,” ani Lacson sa X.

Sinabi rin ni Lacson na luminaw na ang usapin tungkol sa 16 na boto na kinakailangan para mahatulan ang Bise Presidente matapos ang tugon ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero, at sinumang naniniwalang nakagawa ang impeachment court ng grave abuse of discretion ay maaaring kuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

Ani Lacson, ang usapin ay isa nang “justiciable controversy,” o isang usaping maaaring dinggin, pasyahan, at resolbahin ng Korte Suprema sa ilalim ng kapangyarihan nito.

“Ngayong settled at maliwanag na ang issue ay isa nang justiciable issue or controversy – kung merong party na gustong kwestyunin sa Korte Suprema kung sa tingin nila ay may ‘grave abuse of discretion’ ang impeachment court, malaya silang gawin yun,” aniya.

Noong Martes, humingi si Lacson ng paglilinaw sa pahayag ni Escudero matapos itong mahalal bilang presiding officer ng impeachment court, kung saan sinabi nitong kailangan ang hindi bababa sa 16 na boto ng mga senator-judge upang magkaroon ng hatol na pagkakasala. Sinagot ito ni Escudero nang nagpapatibay na 16 nga ang kinakailangang bilang.

Ayon kay Lacson, kinailangan niyang humingi ng paglilinaw upang matukoy kung ang isyu sa voting threshold ay sariling legal na opinyon lamang ni Escudero o isa nang pasya ng impeachment court, lalo na’t marami ang nagtatanong sa kanya ukol dito.

Inulit din niya na sang-ayon siya sa pananaw na 16 na boto ang kinakailangan upang magkaroon ng hatol na pagkakasala dahil nananatiling may 24 na miyembro ang Senado sa ilalim ng ika-20 Kongreso, kabilang ang mga nakakulong na sina Jose “Jinggoy” Estrada at Rodante Marcoleta, gayundin si Ronald dela Rosa na nananatiling nagtatago.

“Hindi ako tutol, bagkus nakikiisa ako sa pananaw na dapat 16 talaga ang bilang sa ngayon dahil kahit may nakakulong at nagtatago, kasama pa rin sila sa bilang ng 24 senators under the 20th Congress,” aniya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here