Home HOME BANNER STORY Inday lumakas pa; Signal No. 1 itinaas sa 12 lugar

Inday lumakas pa; Signal No. 1 itinaas sa 12 lugar

3
0

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang Super Typhoon Inday habang kumikilos pahilagang-kanluran sa silangan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Alas-11 ng umaga, namataan ang bagyo 1,270 kilometro sa silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang 195 kph na lakas ng hangin, bugsong hanggang 240 kph, at may central pressure na 920 hPa.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:

–Batanes

–Cagayan kasama ang Babuyan Islands

–Apayao

–Kalinga

–Isabela

–Hilagang Aurora (Dilasag at Casiguran)

–Hilaga at gitnang Catanduanes

–Hilagang-silangang Quirino

–Silangang Ifugao

–Ilocos Norte

–Silangang Mountain Province

–Hilagang Abra

Ayon sa PAGASA, Signal No. 2 o Signal No. 3 ang posibleng pinakamataas na babala habang dumaraan ang bagyo.

Inaasahang mananatiling super typhoon ang Inday hanggang Huwebes bago humina bilang typhoon pagsapit ng Huwebes ng gabi, ngunit mananatili itong isang malakas na bagyo.

Pinalalakas din ng Inday ang Habagat, na magdadala ng malalakas hanggang mabugsong hangin sa Pangasinan, Zambales, Bataan, CALABARZON, malaking bahagi ng MIMAROPA, Bicol Region, karamihan ng Visayas, at malaking bahagi ng Mindanao.

Sa Huwebes at Biyernes, inaasahang mararanasan ng halos buong bansa ang malalakas na bugso ng hangin.

Nagbabala rin ang PAGASA sa napakaalon na dagat na maaaring umabot sa 4.5 metro sa baybayin ng Isabela, hilagang Aurora, hilaga at silangang Catanduanes, at silangang Northern Samar. Delikado ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang-pandagat sa mga lugar na ito. Nananatili rin ang gale warning sa silangang baybayin ng Northern at Central Luzon at Visayas.

Inaasahang pinakamalapit ang Inday sa Extreme Northern Luzon sa Biyernes, Hulyo 10, bago tumungo sa timog na bahagi ng Japan at karagatan sa hilaga ng Taiwan. Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado, Hulyo 11. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here