Home HOME BANNER STORY Anunsyo sa taas-sahod sa mga probinsya, abangan sa Setyembre – PBBM

Anunsyo sa taas-sahod sa mga probinsya, abangan sa Setyembre – PBBM

2
0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles na pinag-aaralan na ng Regional Tripartite Wage Boards ang posibleng dagdag-sahod sa kani-kanilang mga rehiyon, kung saan inaasahang lalabas ang mga rekomendasyon sa Setyembre o Oktubre.

Sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Marcos na sinusuri ng mga wage board ang presyo ng mga bilihin at kalagayang pang-ekonomiya sa bawat rehiyon upang matukoy kung ang kasalukuyang wage rates ay nananatiling angkop o kailangan nang itaas.

“Ang regional tripartite wage board patuloy [at] hindi tumitigil iyan, patuloy tinitignan at inaaral kung ano ba ang talagang presyuhan sa bawat region para malagay na tama ang ating wage rate o kailangan ng wage hike,” ani Marcos.

Binanggit din ng Pangulo ang inaprubahang PHP85 daily minimum wage increase para sa mga manggagawa sa National Capital Region, na ipatutupad sa dalawang tranche: PHP60 simula Hulyo 19, 2026, at ang natitirang PHP25 simula Enero 20, 2027.

“Ang susunod ay sa mga region pero matagal pa iyan. September, October pa ‘yung mga iba,” sabi ni Marcos.

“Kaya’t kapag natapos na sa kanilang pag-aaral ay ilalabas na rin natin ang ating mga naging resulta at ano ang rekomendasyon ng ating Tripartite Wage Board sa iba’t ibang region,” dagdag pa niya.

Dahil sa wage adjustment sa NCR, tataas sa PHP780 ang daily minimum wage ng non-agriculture workers, habang magiging PHP743 naman ang minimum wage ng agricultural workers at mga manggagawa sa retail o service establishments na may 15 o mas kaunting empleyado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here