MANILA, Philippines — Isang bettor ang nanalo ng ₱15-milyong jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw nitong Miyerkoles, Hulyo 8, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination sa MegaLotto 6/45 ay 13-05-30-25-22-11, na natumbok ng isang ticket holder.
Samantala, walang nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱66.67 milyon. Ang lumabas na winning combination sa naturang draw ay 20-32-48-52-46-54.
Sa minor games, lumabas sa 4D Lotto ang kombinasyong 6-0-1-8, kung saan 15 winners ang tatanggap ng tig-₱18,168.
Sa 3D Lotto, ang winning combinations ay 6-7-8 para sa 2 p.m. draw, 1-9-7 para sa 5 p.m. draw, at 3-7-6 para sa 9 p.m. draw, na may tig-₱4,500 na premyo.
Sa 2D Lotto, ang winning combinations ay 30-06 para sa 2 p.m. draw, 21-12 para sa 5 p.m. draw, at 03-11 para sa 9 p.m. draw, na may tig-₱4,000 na premyo.
Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 draws tuwing Lunes, Miyerkoles, at Sabado, habang ang MegaLotto 6/45 draws naman ay tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes. Nagsasagawa rin ang PCSO ng 4D Lotto, 3D Lotto, at 2D Lotto draws sa mga nakatakdang araw ng bola. RNT