Home METRO Lalaking nangmolestya sa aso, kinasuhan na

Lalaking nangmolestya sa aso, kinasuhan na

3
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kaso ang isang 50-anyos na lalaki sa Tacloban City dahil sa umano’y pangmomolestiya sa isang aso sa Barangay 69, Anibong.

Ayon sa pulisya, inimbitahan ang suspek sa bahay ng complainant para makipag-inuman nang magpaalam umano ito na pupunta sa banyo.

Makalipas ang ilang sandali, narinig ng mga residente sa bahay ang pag-iyak ng kanilang alagang Dachshund. Nang kanilang tingnan, naabutan umano nila ang suspek na seksuwal na inaabuso ang aso.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ng mga sugat sa genital area ang Dachshund.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here