Home METRO 2 stude tinarakan sa rambulan ng mga kabataan sa Davao City

2 stude tinarakan sa rambulan ng mga kabataan sa Davao City

5
0

DAVAO – Dalawang estudyante ang nasugatan matapos ang pananaksak na nauwi sa rambulan ng ilang kabataan sa isang kalsada sa Davao City.

Makikita sa isang viral video ang kaguluhan sa kalsada kung saan sangkot ang ilang kabataan, na karamihan ay nakauniporme.

Isang babae ang nagtangkang umawat ngunit nadamay sa komosyon at nadapa.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang gulo nang saksakin umano ng isang grupo ang dalawang lalaking estudyante na pauwi na mula sa paaralan.

Nagtamo ng mga sugat ang mga biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nadakip naman ang anim na suspek na nasa edad 14 hanggang 16, at dinala sa Davao City Social Welfare and Development Office.

Sinabi ng prinsipal ng paaralan na dati nang may alitan ang dalawang grupo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here