Home METRO 159 bahay ipinagkaloob ng DOTr sa mga apektado ng M’danao Railway project

159 bahay ipinagkaloob ng DOTr sa mga apektado ng M’danao Railway project

2
0

TAGUM CITY — Ipinaabot ng Department of Transportation ang 159 housing units sa informal settler families na maaapektuhan ng Mindanao Railway Project–Tagum Segment sa Barangay Mankilam, Tagum City, bilang bahagi ng Right-of-Way Site Acquisition program.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hakbang upang matiyak na may maayos na relokasyon, suporta, at kabuhayan ang mga pamilyang madadamay sa konstruksyon ng proyekto.

Sinabi naman ni Assistant Secretary Irish Calaguas na pinabibilis na ng DOTr ang lahat ng right-of-way activities para sa proyekto.

Sa ilalim ng memorandum of agreement ng DOTr at lokal na pamahalaan ng Tagum City, sasagutin ng national government ang malaking bahagi ng gastos, habang P1,500 kada buwan lamang sa loob ng 25 taon ang babayaran ng mga benepisyaryo.

Kasalukuyang may 62 quadruplex buildings, o katumbas ng 248 housing units, sa 4.2-hectare relocation site.

Ang Phase 1 ng Tagum-Davao-Digos segment ay binubuo ng 100-kilometrong riles na may walong istasyon sa Davao del Norte at Davao del Sur.

Kapag natapos, inaasahang paglilingkuran ng railway project ang mahigit 100,000 pasahero kada araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here