Home METRO Guro, sumideline sa patulak ng droga, tiklo

Guro, sumideline sa patulak ng droga, tiklo

1
0

BALLESTEROS, Cagayan – Bumagsak na sa kamay ng alagad ng otoridad ang isang 32-anyos na guro sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA Region 02 sa isinagawang operasyon dakong alas-4:35 ng hapon ay matagumpay nahuli matapos umanong makapagbenta ang suspek na kinilala sa alyas na “MJ” ng hinihinalang ilegal na droga sa isang undercover operative.

Nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng puting mala-kristal na hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na limang gramo at standard drug price na nasa ₱34,000. Nakuha rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ayon kay Castro, patuloy ang kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga katuwang ang iba pang law enforcement agencies.

Binigyang-diin ng ahensya na walang sinuman ang nakaliligtas sa batas at magpapatuloy ang kanilang operasyon upang mapanagot ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gawain.

Nahaharap ang nasabing guro sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here