Home METRO Tubig sa Magat Dam papalapit na sa kritikal na lebel

Tubig sa Magat Dam papalapit na sa kritikal na lebel

2
0

MANILA, Philippines — Patuloy na bumababa ang water level ng Magat Dam sa Northern Luzon at papalapit na ito sa critical elevation na 160 meters dahil sa matagal na tuyong kondisyon sa Isabela.

As of 5 p.m. nitong Miyerkoles, Hulyo 8, nasa 160.69 meters ang water level ng dam, o 0.69 meters na lamang ang taas mula sa critical level, batay sa datos ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System.

Bumaba na ng mahigit 6.6 meters ang reservoir sa loob ng wala pang dalawang linggo, mula 167.32 meters noong Hunyo 25 hanggang 160.69 meters noong Hulyo 8.

Mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 7, tuloy-tuloy ang pagbaba ng water level mula 166.64 meters hanggang 161.19 meters, bago pa ito bumaba sa 160.69 meters noong Hulyo 8.

Ang Magat Dam ay nakalilikha ng hanggang 380 megawatts ng kuryente at nagsusuplay ng irigasyon sa humigit-kumulang 90,000 ektarya ng palayan sa Isabela, Cagayan, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Sa naunang ulat, sinabi ng NIA na umaabot sa average na 80 centimeters kada araw ang pagbaba ng tubig sa reservoir dahil sa kakulangan ng malakas na ulan sa watershed nitong mga nakalipas na linggo.

Nagbabala ang ahensya na kung walang sapat na pag-ulan, maaaring umabot sa critically low level ang dam pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo maliban kung lalo pang babawasan o irarasyon ang irrigation supply sa libu-libong magsasakang umaasa sa dam para sa paghahanda ng lupa at produksyon ng palay.

Nagdulot na rin ang pagbaba ng water level ng malawakang fish kill na nakaapekto sa mahigit 1,400 mangingisda at fish cage operators. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya, dapat mabigyan agad ng tulong ng pamahalaan ang mga apektadong mangingisda. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here