Home NATIONWIDE SSS members na kumikita below P10K, bibigyan ng P8K UPLIFT ayuda

SSS members na kumikita below P10K, bibigyan ng P8K UPLIFT ayuda

1
0

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng P8,000 financial assistance simula Oktubre 30 ang mga aktibong miyembro ng Social Security System (SSS) na may monthly salary credit na hindi lalampas sa P10,000, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na direktang ilalagay ang ayuda sa disbursement accounts ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Bahagi ito ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport (UPLIFT) program na naglalayong tulungan ang milyun-milyong mahihirap at low-income Filipinos na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon sa DSWD, pinalawak ang sakop ng programa upang maisama ang mga SSS member na may monthly salary credit na P10,000 pababa.

Nauna nang nakatanggap ng ikalawang tranche noong Oktubre 23 at 24 ang Group 3 beneficiaries o mga SSS member na may monthly salary credit na hindi lalampas sa P20,000.

Samantala, magsisimula naman sa Nobyembre 6 ang crediting ng tig-P4,000 para sa ikatlo at ikaapat na tranche ng Group 2 beneficiaries o mga itinuturing na “near poor.”

Para sa mga benepisyaryong wala pang electronic wallet, sinabi ng DSWD na magkakaroon ng manual payout mula Nobyembre 2 hanggang 30, depende sa iskedyul na ilalabas ng kani-kanilang lokal na pamahalaan.

Magsisimula rin sa Nobyembre 6 ang pag-credit ng kaparehong halaga sa SSS disbursement accounts ng mga kwalipikadong Group 3 beneficiaries. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here