Home NATIONWIDE Alok ni Cayetano na P170K pambayad utang ng Pinas, tinanggap ni Recto

Alok ni Cayetano na P170K pambayad utang ng Pinas, tinanggap ni Recto

5
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Executive Secretary Ralph Recto ang alok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magbigay ng P170,000 para tumulong sa pagbabayad sa utang ng bansa.

Ayon kay Recto, maaari itong ibigay ng senador sa Bureau of Internal Revenue (BIR) o Bureau of the Treasury.

“Pwede. Pwede siyang magbigay ng P170,000,” sinabi ni Recto.

Nang tanungin kung maaaring gumawa ng ganitong donasyon si Cayetano, sinabi ni Recto na maaari niya itong ibigay sa BIR o Bureau of the Treasury.

“Sa BIR. Sa Treasury pwede, sa Treasury pwede rin siguro. BIR siguro baka may resibo,” aniya.

Sinabi rin ni Recto na bukas ang Malakanyang na dinggin ang proposal ni Cayetano kung paano ipatutupad ang ideya.

Kamakailan ay pinalutang ni Cayetano ang ideya ng pagpayag sa mga Filipino na boluntaryong magbigay ng tig-P170,000 na nagrerepresenta sa estimated share sa P19.66 trilyong utang ng bansa.

Sa kabila nito, nilinaw ni Cayetano na ang panukala ay hindi layong magdagdag ng bigatin sa publiko o humiling sa mga Filipino na sagutin ang responsibilidad ng pamahalaan sa pagbabayad ng utang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here