Home NATIONWIDE 675 OFWs sa Saudi Arabia, nakatakdang i-repatriate

675 OFWs sa Saudi Arabia, nakatakdang i-repatriate

1
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 675 overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang nagpahayag ng kagustuhang makauwi sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa naturang bansa, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne Caunan na 360 OFWs na ang matagumpay na nai-repatriate hanggang nitong Lunes, habang inaasahang darating ang iba pa sa mga susunod na araw.

Patuloy na nakararanas ang Saudi Arabia ng mga drone at missile attack na iniuugnay sa Houthi rebels.

Ayon kay Caunan, bagama’t muling nagbukas ang Riyadh International Airport, wala pa ring direktang flights mula Manila patungo rito.

Dahil dito, inihahatid ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga OFW sa ibang paliparan na nasa apat hanggang 11 oras ang layo upang maisagawa ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

Nakatakda ring magtungo sa Saudi Arabia si DMW Secretary Hans Leo Cacdac upang pangunahan at tulungan ang repatriation efforts.

Isasagawa nang batch-by-batch ang pagpapauwi sa mga OFW.

Pagdating sa Pilipinas, sinabi ng OWWA na bibigyan sila ng kinakailangang tulong mula sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang kasalukuyang nasa Saudi Arabia.

Samantala, sinabi ni Caunan na wala pa silang natatanggap na kahilingan para sa repatriation mula sa mga Pilipino sa France at Italy kasunod ng mga kaguluhang naiulat sa naturang mga bansa. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here