Home ENTERTAINMENT Netizen, mixed reax sa di pinagbigyang pagdalaw ni Sen Bong sa patay...

Netizen, mixed reax sa di pinagbigyang pagdalaw ni Sen Bong sa patay na utol!

2
0

Manila, Philippines – “No special treatment!”

Ito ang sigaw ng ilang netizens sa pagkakatabla kay dating Sen. Bong Revilla na dumalaw sa burol ng kapatid.

Tiyal na ikinadurog ng puso ni Bong ang pagkaka-deny ng kanyang pakiusap na makalabas pansamantala sa piitan.

Ito’y para man lang sana masilip ang mga labi ng kanyang kapatid na si Jojo Bautista.

Mismong ang Sandiganbayan Third Division ang nagdesisyon na huwag pahintulutan ang dating mambabatas.

Umani naman ng mga realsyon ang naging desisyon kay Bong.

”’Yan na naman ang mga special request na ‘yan!”

“Dapat lang na no special treatment!”

“Very good! Baka pag nakalabas, mag-ala Bato (de la Rosa na tumakas)!”

“Ay, dapat lang! Baka itakas din ni Robin Padilla!”

”’Di pa naman convicted si Bong…they should have been more humane!”

Tulad ng alam ng marami, may kaugnayan sa ghost flood control projects ang kinakaharap ni Bong. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here