Home NATIONWIDE SC tumangging magkomento sa kumalat na dokumento ng SCO vs Suntay, Topacio

SC tumangging magkomento sa kumalat na dokumento ng SCO vs Suntay, Topacio

3
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Tumangging magkomento ang Korte Suprema tungkol sa dokumentong kumakalat online na umano’y Show Cause Order (SCO) laban kina Cong. Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio.

Kaugnay ito ng umano’y sexist na pahayag ng dalawa laban sa aktres na si Anne Curtis.

Umingay ito matapos i-post ni suspended lawyer Jesus Falcis sa social media ang kopya ng sinasabing SCO mula sa SC, na naka-courtesy umano kay Atty. Joji Alonso.

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, confidential ang lahat ng impormasyon tungkol sa disbarment proceedings, kabilang na ang status ng kaso. Ito ay alinsunod sa Code of Professional Responsibility and Accountability.

“In accordance with the Code of Professional Responsibility and Accountability, matters relating to ongoing disbarment proceedings are confidential, including the status of the cases,” sabi ni Ting.

Sa panayam naman ng mga mamamahayag, sinabi ni Atty. Topacio na hindi siya magbibigay ng pahayag hangga’t hindi mismo ang Korte Suprema ang nagpapalabas ng SCO.

Aniya, tanging ang SC lang ang may karapatang magsapubliko ng dokumento, hindi ang kahit sinong indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here