Home NATIONWIDE Cubao bishop nagpanukalang magbibigay ng spiritual guidance sa excommunicated group

Cubao bishop nagpanukalang magbibigay ng spiritual guidance sa excommunicated group

2
0

MANILA, Philippines – Nagpanukala ang Diyosesis ng Cubao na mag-organisa ng grupo ng mga pari at layko na magbibigay ng espiritwal na pangangailangan sa mga miyembro ng Society of Saint Pius X, na itiniwalag ni Pope Leo XIV matapos nilang mag-ordain ng mga Obispo nang walang pahintulot nito.

Sa isang pastoral letter, sinabi ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. na ang tungkulin ng grupong ito ay “magbigay nang may sapat na kaalaman at malasakit ng impormasyon, pagpapayo, at pastoral na tulong.”

Inilabas ang liham ni Ayuban matapos itiwalag ng Vatican ang anim na Obispo mula sa ultraconservative na grupong Society of Saint Pius X.

Ayon sa ulat, nagbabala rin ang Vatican na ang sinumang laykong “formal na sasapi” sa grupong humiwalay sa Simbahang Katolika ay sasapitin din ang parehong kapalaran.

Nilinaw ni Bishop Ayuban sa kanyang pastoral letter na “Laging pinaninindigan ng Simbahang Katolika na ang pag-oorden ng isang obispo nang walang utos at pahintulot ng Santo Papa, at direktang pagsuway sa kanyang malinaw na kalooban, ay isang gawa ng skisma na hindi lamang isang malubhang kasalanan, kundi may kaakibat ding mga kahihinatnan.”

Sinabi ni Ayuban na maaari pa ring makipagkasundo sa Simbahang Katolika ang mga miyembro ng grupo.

Nag-alok din ang obispo ng espiritwal na gabay sa mga miyembro ng Society at nagpanukala rin siya na dagdagan ang pagdiriwang ng Latin Mass sa diyosesis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here