Home NATIONWIDE Pagtatanggol ni PBBM sa regional wage system binatikos ng labor group

Pagtatanggol ni PBBM sa regional wage system binatikos ng labor group

2
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol ang SENTRO, o Samahan ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, laban sa pagtatanggol ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa umiiral na regional wage-setting system.

Ipinunto ng Pangulo na umabot na sa mahigit P200 ang kabuuang idinagdag sa sahod ng National Capital Region Wage Board sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pero ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata, mali umano na gawing sukatan ang pinagsama-samang dagdag-sahod sa loob ng ilang taon.

Aniya, araw-araw pa rin pinoproblema ng mga manggagawa ang mahal na pagkain, pamasahe, renta, kuryente, at iba pang gastusin.

Sabi pa ng grupo, napag-iiwanan na ng minimum wage ang pagtaas ng bilihin kaya hindi pa rin sapat ang kinikita ng mga manggagawa para sa pang-araw-araw.

Dahil dito, iginiit ng SENTRO sa Kongreso at sa administrasyon na isulong ang legislated wage increase para maibalik ang purchasing power at maging sapat ang sahod ng mga manggagawa.

Samantala, ayon kay PBBM, patuloy na sinusuri ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards kung kailangan na ng karagdagang wage hike sa ibang rehiyon, matapos ang P85 daily wage increase sa NCR.

Sinabi ng Pangulo na inaasahang maglalabas ng desisyon ang ilang regional wage boards sa pagitan ng September at October ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here