Home NATIONWIDE Walang ‘Oplan Romanov’ na magbibigay-katwiran sa assassination threat vs PBBM – Palasyo

Walang ‘Oplan Romanov’ na magbibigay-katwiran sa assassination threat vs PBBM – Palasyo

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na walang “Operation Romanov” na maaaring magbigay katuwiran sa assassination remarks ni Vice-President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pangatlong araw ng impeachment trial ni VP Sara, ginamit ni defense counsel Mark Vinluan ang sinasabing unauthorized surveillance operations laban sa bise-presidente, na di umano’y naghantad sa security threats sa pamilya nito.

Iginiit ni Vinluan na ang pagsasalita ni VP Sara ay hindi lamang bilang public official nang ihayag niya ang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez kundi bilang isang ina na naghahangad na protektahan ang kanyang sarili at kanyang pamilya.

“At ang paggamit muli nito ng justification, dyina-justify niya  ang sinasabing Oplan Romanov, kaya siya nagbanta sa Pangulo? Hindi natin  maiwawaksi ang pagiging Bise Presidente niya at sa pagiging Nanay niya,” ayon kay Castro.

“Ang pagbabanta ay pagbabanta, sinuman ka man, nagbanta  ka sa buhay ng Pangulo, kahit ikaw ay isang nanay, ikaw ay isang Bise Presidente, walang pagkakaiba iyon, nagbanta ka pa rin sa buhay ng Pangulo,” aniya pa rin.

Aniya pa, responsibilidad ng kampo ni VP Sara na patunayan ang kanyang mga sinabi, sabay sabing hindi kayang imbestigahan ng gobyerno ang alegasyon nang walang kaakibat na ebidensiya.

“Unang-una, sino po  na ang nagbanggit ng Oplan Romanov, hindi po ba nasa partido ng Bise Presidente,  hindi po  ba siya ang dapat na magbigay ng mga ebidensiya patungkol dito at hindi ang Palasyo. Siya po ang magbigay ng mga detalye, para po magkaroon ng tamang pag-iimbestiga,” ayon kay Castro sabay sabing “Binigyan siya ng pagkakataon, sinulatan siya ng NBI para malaman ang mga sinasabing death threats sa kanya at sa kanyang pamilya, pero hindi siya  tumugon.”

Aniya pa, “Hindi po kasalanan ninuman, kung hindi magkakaroon ng anumang tinatawag nating existence, iyong sinasabing Oplan Romanov, dahil mismo ang Bise Presidente na nagsabi nito ay hindi ito napapatunayan. So, ano ang gagawin mo ng ehekutibo, kung wala namang maiibestigahan, dahil walang anumang detalyeng ibinibigay ng nag-aakusa patungkol sa Oplan Romanov.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here