PAMPANGA- Inulat ng mga awtoridad na nasa walong (8) indibwal na pawang mga Provincial wanted person na sanglot sa iba’t-ibang kaso ng krimen ang nadakip sa ikinasang serye ng operasyon ng pulisya sa unang linggo ng buwan ng Hulyo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte mula sa mga bayan ng Apalit, Floridablanca, Candaba, Guagua, Lubao at San Luis, Pampanga.
Ang mga naarestong suspek ay wanted sa mga kaso gaya ng panggahasa, illigal na droga at iba pa uri ng krimen.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO