MANILA, Philippines – Mahigit 500 katao ang na-stranded sa mga pantalan nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 10, 2026, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Inday, ayon sa Philippine Coast Guard.
Batay sa ulat ng PCG, kabuuang 543 katao ang na-stranded sa 50 pantalan mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga pasahero, truck driver, at cargo helper.
Na-stranded din ang 205 rolling cargoes, siyam na barko, at 30 motorbanca. Samantala, sumilong naman ang 158 barko at 138 motorbanca.
Pinakamarami ang naapektuhan sa Southern Tagalog kung saan 280 pasahero at 23 rolling cargoes ang na-stranded, habang 111 barko at 118 motorbanca ang sumilong. Kabilang sa mga apektadong pantalan ang Real, Jomalig, Dinahican, Panukulan, Lucena, Alabat, Roxas, Pola, Romblon, San Agustin, Looc, Batangas, Bauan, Balayan, Tingloy, Lemery, Anilao, at Balanacan.
Sa North Western Luzon, 19 na barko ang sumilong sa mga lugar kabilang ang Agoo, Lingayen Gulf, Sual, Magsaysay Port, Port of Salomague, PPA Port Onri Port, Port of Pasuquin, at Port of Laoag.
Sa Southern Visayas, isang barko ang sumilong sa vicinity ng Maria.
Sa Central Visayas, naitala ang 95 na stranded na pasahero, 103 rolling cargoes, pitong barko, at 30 motorbanca, habang 20 barko at 17 motorbanca ang sumilong. Kabilang sa mga apektadong pantalan ang Polambato Pier, Daanbantayan Pier, Mainit Port, Taloot Port, Talibon Port, Ubay Port, Jagna Port, Popo Port, Mabini Port, Cogtong Bay, Tapal Port, Pilar Port, Hagutapay Port, at Poro Port.
Sa Western Visayas, 87 pasahero, 61 rolling cargoes, at isang barko ang na-stranded, habang isang barko at dalawang motorbanca ang sumilong. Apektado ang Caticlan Jetty Port, Port Parola, Iloilo City Fast Craft Terminal, at Cop Lapuz.
Iniulat din ng PCG na 81 pasahero, 18 rolling cargoes, at isang barko ang na-stranded, habang anim na barko at isang motorbanca ang sumilong sa mga pantalan ng Pasacao, Cataingan, Mintac, Aroroy, San Pascual, San Jacinto, at Lagundi. RNT